Budget allocation sa Mindanao pinatataas

Budget allocation sa Mindanao pinatataas

July 19, 2022 @ 4:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinimok ni Cagayan Rep Rufus Rodriguez angnational government na taasan ng 5% ang budget allocation ng Mindanao upang mas maraming proyekto ang maitayo na pakikinabangan ng may 26 milyong residente.

Umaasa si Rodriguez na kasama sa magiging  State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Bongbonv Marvos ang plano nito para sa pag unlad ng Mindanao.

Sa 2022 budget ay P650 bilyon ang inilaan sa Mindanao, kung mapagbibigyan ang panukala ng solon ay tataas ito sa P286 bilyon.

Iginiit ni Rodriguez na tumaas ang populasyon ng Mindanao kaya nararapat lamang din na taasan ang taunang budget ng rehiyon.

“Mindanao is entitled to additional funds because based on the 2020 census, it had residents totaling 26.3 million, or 24 percent of the country’s population of 109.6 million,”ani Rodriguez.

Ani Rodriguez kung itataas ang budget ay mas mapapabilis ang development sa Mindanao.

“If our island receives five percent more next year, or 18 percent of a possible P5.2-trillion budget, hat would go a long way in helping our people and developing our region,”pahayag pa ni Rodriguez.

Umaasa ang Mindanao solon na maisasama sa SONA ni Pangulong Marcos sa Lunes, July 25, ang  pagpopondo ng P83-billion, 102-kilometer first phase ng Tagum-Davao City-Digos Mindanao railway; ang programa para sa  coconut farmers sa ilalim ng Coconut Trust Fund Law;  ang matapos na ang rehabilitasyon sa  Marawi City at  peace talks sa CPP-NPA. Gail Mendoza