Budget deliberation ng CCC ipinagpaliban ng Senado

Budget deliberation ng CCC ipinagpaliban ng Senado

November 11, 2022 @ 1:17 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Senado ang deliberasyon at pag-aapruba sa panukalang badyet ng Climate Change Commission (CCC) sa 2023, dahil nabigong dumalo ang dalawang komisyunado ng ahensiya.

Sa ginanap na deliberasyon ng 2023 national budget, naghain ng mosyon si Senate President Pro-Tempore Loren Legarda sa plenaryo na tanging ang executive director ng komisyon, si Robert Borjie ang dumalo sa pagdinig.

Kapwa nasa Egypt ang dalawang komisyunado, sina Rachel Anne Herrera and Albert Dela Cruz, upang dumalo sa Climate Change Conference (COP 27) na ginanap nitong Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 18.

“I will… reserve my questions for the commission when they return home next week. And with the concurrence of the vice chair of Finance for the commission, may I respectfully request that the deliberations on the budget of the CCC be deferred,” ayon kay Legarda.

Ipinanukala ng Department of Budget and Management ang P132.69 million budget para sa CCC sa ilalim ng P5. 268 trillion 2023 National Expenditure Program (NEP) — mas mababa kumpara sa P145.40 million alokasyon nito sa 2022.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Legarda na kailangan niyang makita ang full report ng CCC sa COP 27 kabilang ang kasalukuyang hakbang hinggil sa climate change action at patakaran sa gobyerno.

“I’m not being kontrabida (a villain), to use a colloquial term. They are not negotiators…They need to come home this weekend. If Secretary Borje, the vice chair, is here, why are they there?” aniya.

“I will not apologize for my intervention. What you saw is just passion. I’m not angry. I love this commission, we created this by law…I just want you to work…We will see the CCC with a full report on COP 27 and they will come home before the 16th on the last day,” dagdag ni Legarda.

Samantala, sinang-ayunan naman ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang mosyon ni Legarda sa pagsasabing dapat dumalo ang sinumang opisyal ng ahensiya ng pamahalaan sa plenary debates ng kanilang badyet.

“This is a once-a-year budget deliberation. My personal position…is if the head of agencies is not here, sorry na lang. You have to come back before the end of the budget. And if he or she does not come home, delikado ang budget nila. Baka maslash-an pa ,” giit ni Zubiri. Ernie Reyes