Budget deliberations, simula na sa Kamara

Budget deliberations, simula na sa Kamara

July 31, 2018 @ 11:33 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sinimulan na ngayon ng House Appropriations Committee ang paghimay sa P3.757 Trillion panukalang budget para sa taong 2019.

Ang panukalang budget ay iprinisinta naman sa House Appropriations Committee ng Development Budget Coordination Committee na binubuo nina Budget Secretary Benjamin Diokno, Finance Secretary Carlos Dominguez,BSP Governor Nestor Espenilla at NEDA Secretary Ernesto Pernia.

Ang 2019 budget ang unang cash based budgeting ng Duterte Administration kung saan itinatakda ang 1 year validity ng pondo ng bawat ahensya at kailangang gastusin ito agad sa mga pinaglalaanang proyekto, layon nito na maiwasan ang under spending ng mga ahensya at mapagtuunan ang mga mahahalagang proyekto na pinondohan na.

Sa 2019 proposed budget ay P1.377T ay inilaan sa social services, P1.068T ay economic services, P709.1B ay inilaan sa General Public Services, P414.1B panbayad ng utang sa labas ng bansa at P188.2B ay para sa defense.

Nangunguna pa din ang sektor ng edukasyon sa pinakamataas na budget sa ilalim ng DEPED na nasa P659.3B, na sinundan ng DPWH-P555.7B, ikatlo ang DILG-P225.6B at pasok din sa Top 10 agencies na may malaking budget cut ang DND-P183.4B; DSWD-P173.3B; DOH-P141.1 B; DOTR P76.1B; DA-P49.8 B; Judiciary-P37.3B; at ikasampu ang ARMM-P32.2B.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles unang sasalang sa pagdinig sa budget ang Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority, Department of Finance, at Bangko Sentral ng Pilipinas. (Gail Mendoza)