Budget utilization ng DICT sa mga nagdaang taon, kaawa-awa – Uy

Budget utilization ng DICT sa mga nagdaang taon, kaawa-awa – Uy

September 10, 2022 @ 9:27 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inamin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kasabay ng budget deliberation ng Kamara na kaawa-awa ang naging budget utilization ng ahensya sa mga nakalipas na taon.

Ito ay kaugnay ng isyu na mabagal umano ang project rollout ng ahensya.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy sa pagdinig para sa 2023 proposed budget, sinabi niya na humarap sa kabi-kabilang problema ang kagawaran sa pagpapatupad ng mga programa nito.

“Indeed, when I came in two months ago, when I was looking at the utilization of the department, it was pitiful,” ani Uy.

“I assure to the committee and to my fellow workers that will not happen under my watch,” dagdag pa niya.

Kabilang rin sa napag-usapan na may kaugnayan sa low utilization rate ay ang mabagal na usad ng programa nilang “Free Wifi Program”.

“I was aghast when I found out that most areas have terminated their services as of August 31, 2021. And there was no effort at all to renew those connectivity,” sagot niya.

Sa kabila nito, siniguro naman ni Uy sa Kamara na target nilang maitaas ang utilization rate ng kanilang budget ng 70 to 80%. RNT/JGC