BUDGETING AT AUDITING

BUDGETING AT AUDITING

July 7, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


NGAYONG wala nang anim na buwan ang natitira sa taon na ito at ginagastos ng bagong Pangulo ang natitirang budget ng administrasyong Duterte, dapat na mabilisang kumilos si Marcos, Jr. at ang kanyang gabinete sa pagpapatupad ng mga nakabinbing programa, lalo na iyong mga ilang buwang ipinagpaliban dahil sa pagbabawal sa paggastos ng gobyerno noong panahon ng kampanya.

Hindi naman puwedeng makahadlang sa Punong Ehekutibo ang mga proyekyong hindi nakumpleto at mga target na napurnada sa pagtatapos ng taon kung nais niyang maikasa ang sariling fiscal policy sa 2023.

Sa ngayon, inaasahang abala na sa pagtatrabaho ang kanyang economic team, inilalatag ang kanyang mga prayoridad sa legislative agenda ng Malacanang bago pa magsimula ang 19th Congress sa Hulyo 25.

Sa araw na iyon, haharap si Marcos, Jr. sa sesyon ng parehong kapulungan ng Kongreso, hindi lang upang pakinggan ng mga mambabatas ang kanyang unang State of the Nation Address, kundi para himukin ang mga ito na suportahan ang kanyang mga prayoridad na programa at proyekto.

Bagamat ang pagkakaunawa ng lahat ay suportado ng napakarami sa Senado at Kamara de Representantes ang Presidenteng ibinoto ng 31 milyong Pilipino, ang maaprubahan ang hiling na budget ng iba’t ibang kagawaran ay hindi ganoon kadali.

Sa laki ng gastos sa operasyon ng maraming kagawaran at sa makasalanang suweldo at mga allowances ng maraming bureaucrats sa “serbisyo publiko,” tungkulin ng Kongreso ng taumbayan na igiit ang pinakaakmang mga resulta at hindi mga palusot bago aprubahan ang mga panukalang budget.

*         *         *

Ipaglalagay nang nakasubaybay kayo sa mahahalagang ipinunto sa 2021 report ng Commission on Audit na isinapubliko noong nakaraang buwan.

Kung gayon, maiintindihan ninyong nakapanlulumo kung paano ginastos ang ating pera at ang perang inutang natin nang may interes makumpleto lang ang kinakailangang budget ng gobyerno.

Sinomang naghahanap ng pagsususpetsahan ng korapsiyon at kapabayaan sa pagtupad sa tungkulin sa gobyerno ay kinakailangan lang na isa-isahin ang mga ahensyang pinuna ng COA ‘tsaka analisahing mabuti ang mga ito para matukoy ang mga tiwali.

Kaya naman ang report ng COA sa bawat kagawaran ay isang mahalagang parte kung paanong pinagpapasyahan ng mga mambabatas ang General Appropriations Act.

Totoong hindi lamang ito ang basehan para masabing nagtatrabaho nang maayos o hindi ang isang ahensya ng pamahalaan.

Pero ibinubunyag ng mga ulat na ito ng COA ang mga maanomalyang paggastos, pagdodoble ng pondo, pag-abuso, kapabayaan, at katamaran sa burukrasya sa pamamagitan ng pagmo-monitor sa mga halagang ginastos. At hindi mapasisinungalingan ang mga numero.
Noong nakaraang buwan, hindi inaprubahan ng makapangyarihang Commission on Appointments ang lima sa interim appointees ni Duterte upang bigyan si Marcos Jr. ng kalayaang pumili ng mga pinuno ng mga komisyon na may itinakdang termino ng paglilingkod.

Kabilang sa kanila si COA chief Rizalina Justol, 40 taon nang naglilingkod sa gobyerno na may 10 taong karanasan bilang state auditor bukod pa sa 21 taong naging city government accountant.

Ngayon, ang pinakamataas na puwesto sa COA ay ipinagkatiwala ni Marcos, Jr. sa dating solicitor general na si Jose Calida.

Bukod sa matagal nang kaalyado ng mga Marcos, si Calida rin ang ikalawa sa may pinakamalalaking suweldo sa administrasyong Duterte at ang sobra-sobrang allowances ay sinita mismo ng COA.

Umasa at manalangin tayong ang non-accountant na si Calida ay maging mas mahusay sa larangan ng numero at accounts kaysa pagiging eksperto niya sa mga ligal na pananagutan.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.