Bug ng WhatsApp, napatay na ng Facebook Inc.

Bug ng WhatsApp, napatay na ng Facebook Inc.

October 11, 2018 @ 9:44 AM 4 years ago


 

New York – Naisaayos na ng Facebook Inc ang pinakabagong bug na natuklasan sa WhatsApp messenger service na umano’y pinapayagan ang mga hackers na kontrolin ang application ng user kapang sinagot nito ang isang incoming video call.

Inanunsyo  ito ng Facebook Inc. kasunod ng ulat mula sa mga technology website na ZDnet at The Register na kanilang natuklasan ang bug, apektado ang WhatsApp applications sa Apple at Android smartphones, noong katapusan ng August.

“We routinely engage with security researchers from around the world to ensure WhatsApp remains safe and reliable. We promptly issued a fix to the latest version of WhatsApp to resolve this issue,” ayon sa WhatsApp sa isang statement.

Ayon sa isang empleyado ng WhatsApp na pamilyar sa pagsasaayos ng isyu, walang kongkretong ebidensiya na nagpapatunay na isinagawa ng mga hacker ang bug upang atakihin ang mga user.

Sinabi rin ng tagapagsalita ng Google na hindi nila batid kung ang bug ay maaaring gamitin upang magsagawa ng pag-atake bago pa man ito mai-patch.

Gayunpaman, tinawag pa rin ni Travis Ormandy, researcher sa Google Project Zero at nakatuklas sa bug, ang insidente bilang “big deal”.

“Just ++answering a call from an attacker could completely compromise WhatsApp,” ayon sa kaniyang post sa Twitter.

Sa tala, nasa 1.2 bilyong indibidwal sa buong mundo ang gumagamit ng WhatsApp bilang means of communication at commerse sa maraming bansa.

Nabili ng Facebook ang service noong 2014 sa halagang $19 bilyon./Remate News Team