Bugaw dinamba ng NBI sa Rizal

Bugaw dinamba ng NBI sa Rizal

July 8, 2021 @ 3:09 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation ang isang babae na umanoy responsable sa human trafficking activities sa Rizal.

Ang suspek ay kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na si Angelica Ollague y Futol.

Ayon kay Distor, nakatanggap ang NBI ngvimpormasyon kaugnay sa nangyayaring human tracking sa mga bayan sa Rizal na nagsasagawa ng prostitusyon.

Karamihan din sa mga ibinubugaw ay mga menor de edad na iniaalok sa mga kliyente para sa panadaliang aliw.

Matapos ang surveillance at pakiki-pagtransaksyon ng poseur costumer ng NBI, ikinasa ang entrapment operation kung saan naaresto ang suspek.

Siyam na biktima ng trafficking kasama ang limang menor de edad ang nasagip sa operasyon.

Kakasuhan ang suspek ng kasong Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ,  Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at  paglabag sa RA 7610 (Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act). Jocelyn Tabangcura-Domenden