Bugaw himas-rehas; 6 bebot nasagip

Bugaw himas-rehas; 6 bebot nasagip

February 15, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation-Naga District Office (NBI-NADO) ang isang indibidwal habang nasagip naman ang anim pang biktima ng human trafficking sa Del Gallego, Camarines Sur.

Kinilala ni  NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si Analyn Perez.

Ayon kay Distor, nag-ugat ang operasyon mula sa informant  na sangkot sa Human Trafficking activity ang Mamalets bar  na matatagpuan sa National Highway, Tumangkok ,Gallego Camarines Sur.

Nagkasa naman ng entrapment operation ang NBI-NADO sa target na bar at inaresto ang suspek na si Perez makaraang tanggapin ang bayad mula sa undercover agent.

Sa operasyon, nasagip ang anim na biktima na inaalok ng serbisyong sekswal kapalit ng halaga ng pera.

Kakasuhan ng paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2021. Jocelyn Tabangcura-Domenden