Bugkos ng marijuana, inabandona sa bus

Bugkos ng marijuana, inabandona sa bus

December 24, 2022 @ 12:45 PM 1 month ago


CAUAYAN CITY – Isang bungkos ng marijuana ang nadiskubre sa pampasaherong bus na hinihinalang inabandona ng estudyante kahapon, Disyembre 23 sa lungsod na ito.

Ayon kay PMaj. Esem Galiza, deputy chief of police ng Cauayan City Police Station, nakatanggap sila ng report mula sa Dalin Bus na byaheng Baguio City-Cauayan City na may bag na naiwan sa likurang bahagi ng naturang bus.

Agad naman rumesponde ang PNP Cauayan City- Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit at sa Special Weapons and Tactics (SWAT) sa nasabing lugar.

Sa pamamagitan ng canine dog na si Tiger naamoy nito ang bag na naglalaman ng kahina-hinalang kontrabando kya agad itong dumapa.

Binuksan ng mga pulis ang bag sa tumambad sa kanilang harapan ang bungkos na marijuana na nakalagay sa malaking plastic sachet.

Narekober rin sa bag ang dahon na nakabalot sa tissue, laptop, answer key sheet mula sa isang pagsusulit at iba pang personal na gamit na pinaniniwalaan estudyante ang may-ari.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang nasabing pangyayari. Mary Anne Sapico