Buhay ni Michael Jackson, gagawing musical sa Broadway

Buhay ni Michael Jackson, gagawing musical sa Broadway

June 20, 2018 @ 11:17 AM 4 years ago


New York – Aabangan na sa Broadway ang isang musical tungkol sa buhay ni King of Pop Michael Jackson kung saan itatampok ang kaniyang mga kanta sa panunulat ng isang sikat na playwright sa US.

Inanunsiyo ito ng producer ng musical kahapon at sinabing ilalabas ito sa 2020.

Hindi naman niya binanggit ang magiging title ng gagawing musical.

Ito ay co-produced ng King of Pop’s estate na isusulat naman ng award winning playwright na si Lynn Nottage, two-time winner of the Pulitzer Prize.

Itatampok sa nasabing musical ang musika ni Michael Jackson at iko-choreograph naman ni Christopher Wheeldon, a prominent force in ballet.

Samantala, hindi pa rin sigurado kung paano ilalarawan ng musical si Michael matapos ang iniwan nitong imahe bago pa siya mamatay, ngunit sisiguraduhin naman daw ng co-producer na magiging positibo ang atake ng musical.

Si Michael Jackson ay sumikat noong siya ay bata pa bilang miyembro ng The Jackson 5 bago nito masungkit ang tugatog ng kaniyang kasikatan bilang solo artists sa kaniyang “top-selling album of all time” na “Thriller,” noong 1982.

Si Jackson ay namatay dahil sa propofol, isang powerful anesthesia na inireseta sakniya ng kaniyang personal doctor para tulungan siyang makatulog. Apat na taon bago ito, ang singer ay humaharap sa alegasyon ng pangmomolestsa na mariin niyang itinanggi. (Remate News Team)