Buhay Party-List nakuha ang suporta ng iba’t ibang religious org

Buhay Party-List nakuha ang suporta ng iba’t ibang religious org

May 2, 2022 @ 12:29 PM 2 months ago


Sinuportahan ang Buhay Party List ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na siyang pangunahing grupo ng CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) na kumakatawan sa mga lider at miyembro ng iba’t ibang organisasyon ng Katolikong simbahan sa bansa.

“Malaking puntos ito sa aming mga adhikaing maka-Diyos at maka-Buhay na matagal na naming ipinaglalaban sa Kongreso,” ani Xavy Padilla, na ikalawang nominado ng Buhay at siyang PRO ng Sangguniang Laiko.

Kamakailan lang nang makuha ng Buhay ang pagsang-ayon ng iba’t ibang mga obispo at pari dahil sa kanilang pare-parehong pakikipaglaban para sa mga panukalang-batas para sa kahalagahan ng buhay.

Sumuporta sa Buhay ang mga kilalang organisasyong layko Katoliko kabilang ang:

  • Missionary Families of Christ (MFC)
  • Live Christ Share Christ (LCSC),
  • Friends of Divine Mercy, at
  • Dios Gugma
  • Grand Harvest Ministries,
  • Philippine Association of Retired Educators,
  • At pati si dating presidente at Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Sinabi ni Arsobispo Jose Cabantan at ng mga Pari ng archdiocese ng Cagayan de Oro sa mga representatnte ng Buhay na dumalaw sa kanya kamakailan na suportado nila ang naturang Party List dahil sa solidong posisyon nito laban sa mga aborsiyon, diborsyo, at iba pa.

Nakuha rin ng Buhay ang suporta nina: Arsobispo Gilbert Garcera ng Lipa, Arsobispo Soc Villegas ng Lingayen Dagupan, Bishop Emeritus Ted Bacani ng Novaliches, Arsobispo Joe Cabantan ng Cagayan de Oro, Bishop Jesse Mercado ng Parañaque, Bishop Broderick Pabillo ng Taytay, Palawan, Archbishop Jose Lazo ng Jaro, Bishop Buenaventura Famdico ng San Pablo, at Archbishop Emeritus Angel Lagdameo ng Jaro, Iloilo. RNT