Buhay sa buhay: Amo ni Villavende, bibitayin!

Buhay sa buhay: Amo ni Villavende, bibitayin!

December 31, 2020 @ 6:40 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hinatulan ng Kuwaiti criminal court ng parusang bitay sa pamamagitan ng pagbigti ang among babae na tumortyur at pumatay sa Pinay domestic worker, Jeanelyn Padernal Villavende, dahil umano sa selos.

Apat na taong pagkakakulong naman ang ipinataw sa asawa ng suspek dahil umano sa pagtatago sa krimen.

Ayon kay Philippine embassy lead counsel, Atty. Sheikha Fawzia Al-Sabah, na patas ang naging hatol ng korte at naayon ito sa batas.

“Alhamdullilah! We got justice for Jeanelyn,” ani Sheikha Fawzia, isang Kuwaiti human rights lawyer.

Ikinatuwa naman ito ng Pilipinas, at nagpasalamat ang embahada sa desisyon ng korte maging sa mga opisyal na tumulong para makamit ang hustisya para kay Villavende.

“Newly accredited Philippine Ambassador to Kuwait Mohd. Noordin Pendosina N. Lomondot wishes to sincerely thank Secretary Locsin and the DFA for all the assistance that was extended while the Embassy is fighting the case in court,” saad sa pahayag.

“May the court’s decision on the Villavende murder case serve as a reminder to everyone that no Filipino is a slave to anyone, anywhere and everywhere, and that justice will always come to the defense of the weak and the oppressed,” dagdag ng embahada.

Matatandaang nasawi si Villavende noong Disyembre 28, 2019 sa kamay mismo ng kanyang mga amo. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...