Build, Build, Build program ni Duterte, gustong isabatas ni Mark Villar

Build, Build, Build program ni Duterte, gustong isabatas ni Mark Villar

July 15, 2022 @ 7:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inihain ni Senador Mark Villar ang Build,-Build, Build Act na naglalayong lumikha ng 30-Year National Infrastructure Program alinsunod sa kanyang pangako noong kampanta na titiyakin na tuloy-tuloy ang infrastructure projects at pagbutihin ang pamumuhay ng Filipino sa gitna ng pandemya ng COVID-19 at iba pang hamon.

“Importante po na isulong natin sa Senado ang Build, Build, Build program, dahil ang pagkakaroon ng pangmatagalang plano para sa programang pang-imprastraktura ay makakapagpalago ng ekonomiya ng bansa. It will ease the much-needed improvement of the nation’s roads, bridges, and other structures, while it aims to give thousands of jobs to the Filipino people,” ayon kay Villar.

Inilatag ng panukala ang patakaran at estratehiya na isusulong ng gobyerno sa pagtutukoy ng inisyal na core infrastructure projects na bibigyan ng prayoridad.

Lilikha din ang panukala ng iba’t-ibang modalidad para sa implementasyon at pagpopondo ng proyekto.

Tinukoy sa panukala ang papel ng implementing agencies sa pagpapaunad ng pangunahing transport, energy, water resources, and communications technology, social infrastructure systems, at iba pang basic overhead facilities sa bansa.

“In the past six years, the Filipino people have seen and experienced the impact of the Philippines’ Golden Age of Infrastructure. The Build, Build, Build program of the government resulted in the creation of hundreds of ports, thousands of roads and bridges, and millions of jobs. As the country welcomes a new administration, it is important to keep the momentum going by uniting behind this advocacy and bringing it to new heights not only for us but also for the generations to come,” ayon kay Villar.

Nagsilbi si Villar bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways dsa Duterte administratin na nagsulong ng Build, Build, Build program na nagtayo at nag-ayos ng pangunahing lansangan, farm-to-market roads, tulay, at diversion roads patugo sa economic zones, at deklaradong tourism destinations.

“As I advocate for lasting reforms in the infrastructure sector of the country, I am certain that with the passage of this bill, we will encourage investors, facilitate job creation, boost economic growth, and most importantly, improve the quality of life in both the urban and rural areas of the country,” ayon kay Villar. Ernie Reyes