Build, build, build project ng gov’t nakapagpabangon sa ekonomiya- Malakanyang

Build, build, build project ng gov’t nakapagpabangon sa ekonomiya- Malakanyang

December 31, 2021 @ 11:38 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Tinatayang mahigit sa P1 trilyon ang ang infrastructure spending ng Duterte Administration sa Build Build Build Program ngayong taon.

Sinabi ni Acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na may kaugnayan sa mga naging accomplishment ng administrasyon.

“Pumunta naman po tayo sa imprastruktura: Despite the limitations brought about by the COVID-19 pandemic, hindi po nawala ang momentum ng ating Build Build Build Program na makikita ninyo sa inyong screen.”

Aniya, ang infrastructure spending ay katumbas na nang 5.1% gross domestic product ng Pilipinas na aniy ay isang naging dahilan sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pagtiyak ni Nograles, positibo silang papalo pa ang pag- angat ng ekonomiya ng hanggang 5.8% sa susunod na taon.

“Ang infrastructure spending ng Administrasyong Duterte sa Build Build Build Program para sa taong 2021 ay nasa P1,019.10 trilyon o katumbas ng 5.1% ng ating gross domestic product.

Malaki ang naging papel nito sa pagbangon ng ating ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic. Aasahan natin na tatas pa ito sa susunod na taon nang 5.8%.”

Ilan sa ibinida ng Palasyo na nagawa ng Duterte Administration sa usapin ng infrastructure programs ay ang pagkakumpleto ng 233 airport projects at 484 seaport projects; railway project; pagpapagawa ng halos 32,000 na kilometro na mga daan; mahigit 12,000 flood control at management projects at marami pang iba.

“Kasama sa nakumpleto ang 233 airport projects at 484 seaport projects from July 2016 to October 2021. Nakumpleto rin natin ang construction and rehabilitation ng isang railway project habang ongoing ang construction rehabilitation ng walong railway projects. Limang railway projects naman ang ongoing ang design at procurement, kasama rito ang Metro Manila Rail Network ng DOTr at ang Metro Manila Subway Project.”

Samantala, nasa halos 32,000 na kilometro ng daan ang nakumpleto, naipatayo, na-maintain, na-upgrade o na-rehabilitate habang mahigit anim na libong tulay ang nakumpleto, na-upgrade or na-rehabilitate mula July 2016 hanggang October 2021.

“In the same period, nasa mahigit 12,000 na mga proyekto sa flood control and management sa buong bansa ang nakumpleto.

Kasama rin sa imprastruktura ang Free WiFi for All Program na kung inyong matatandaan ay pinirmahan ng ating mahal na Pangulo ang batas ukol dito noong 2017. Nasa 1,669 public schools; 1,848 state universities and colleges at TESDA institutions at 8,014 other public places tulad ng public parks, transport terminals, public hospitals at public libraries nationwide ang konektado na sa Free WiFi,” ayon kay Nograles. Kris Jose