Bukas na gate ng Ambuklao, Binga Dam binawasan na

Bukas na gate ng Ambuklao, Binga Dam binawasan na

August 1, 2021 @ 10:23 AM 6 months ago


MANILA, Philippines – Binawasan na ang bukas na gate ng Ambuklao at Binga dam sa Benguet, batay sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Bukas na lamang ng 0.5 metro ang mga gate ng parehas na dam upang masigurong hindi maaabot ang spilling level.

Dahil sa pag-ulang dala ng habagat, apat na gate ang bukas sa mga nasabing dam.

Habang 0.15 metro namang bukas ang isang gate ng Ipo dam sa Bulacan.

Sa huling pagtatala bandang 6:00 ng umaga, narito ang lebel ng tubig sa ilang mga dam:

  • Ambuklao Dam: 751.33 meters (normal – 752 meters)

  • Binga Dam: 574.34 meters (normal – 575 meters)

  • Ipo Dam: 100.60 meters (normal – 101 meters)

Patuloy namang makaaapekto ang habagat sa bansa ngayong araw ayon sa PAGASA. RNT/ELM