Bukod sa comeback, SEVENTEEN may pa-surprise sa fans!

Bukod sa comeback, SEVENTEEN may pa-surprise sa fans!

September 17, 2021 @ 6:47 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Maliban sa inaasahang comeback sa Oktubre, may pa-surprise pa ang Kpop group na SEVENTEEN sa kanilang mga fans!

Ito ay matapos na biglang naglabas ang isa sa members ng grupo na si Jeonghan ng bagong kanta.

Kahapon, September 16 ay inilabas sa social media account ng grupo ang link ng Korean and Japanese version ng kanta ni Jeonghan na “Dream”, na isa rin siya sa mga nag-compose ng song na ito!

Malayo sa peg ng grupo na mga upbeat songs, pinili ni Jeonghan na magpasiklab sa awitin niyang mellow acoustic ang feels.

Ang sabi tuloy ng ibang fans, pwede na itong gamitin para maging OST (Official Sound Track) ng isang Kdrama!

Sa mga hindi pa napapanood ang “Dream”, narito ang link:

Korean version: https://youtu.be/BIfjbX6hJBc
Japanese version: https://youtu.be/MDJ65032nqk

Dahil dito, nag trending ang hashtag na may kinalaman sa SEVENTEEN sa Twitter world kahapon! RNT


  •  
  •  
  •