Bukod sa groceries, bills payment at essential goods,10 fun at safe activities na pwedeng gawin sa SM

Bukod sa groceries, bills payment at essential goods,10 fun at safe activities na pwedeng gawin sa SM

July 27, 2020 @ 8:22 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maggo-grocery ka ba, mamimili ng essential goods o magbabayad ng bills? Lahat ng ito at marami pang iba, magagawa mo nang ligtas at isang puntahan lang sa SM. At dahil sa #SafeMallingAtSM campaign, safe at laging enjoyable ang malling experience tuwing magagawi ka sa SM.

 

 

Pero bukod sa grocery shopping and bills errands, ’eto ang mga pwedeng gawin para masulit at ma-enjoy ang bawat pagpunta sa SM:

 

Alamin ang latest gadgets and tech sa SM Cyberzone

Naghahanap ka ba ng gadgets para sa work from home set-up mo? O kaya para sa online classes ng kids? Pumunta lang sa SM Cyberzone para sa on-site live demos ng mga bagong gadget. Pwedeng pang level-up ng work from home set up or para sa mga remote learning tech tools ng bagets. Dahil #SMCybermonth2020 na, may exclusive deals, freebies at prizes mula sa iba’t ibang outlets, kaya #CheckCyberzone na!

 

Buy local sa BUYanihan

Alam mo bang may higit 15,000 micro, small, at medium enterprises sa lahat ng SM malls sa bansa? Napakarami at talagang good quality ang mga paninda nila —mga milk tea, turmeric powder, essential oil, native snack, salted-egg potato chip at marami pang iba. Ito ‘yung kiosks at stalls na madalas nating madaanan at minsan, hindi napapansin. Next time na nasa SM ka, daan ka naman para bumili ng paninda. Ang tawag dyan BUYanihan, bes.

 

Sariwang gulay at prutas sa Farmers’ Produce

Hindi lang mga negosyante ang kailangan ng tulong natin — pati mga magsasaka na apektado ng pandemya. Kaya tara na sa Farmers’ Produce kung saan murang-mura ang mga sariwang prutas, gulay at iba’t ibang lokal na produkto mula sa ating mga magsasaka.

Dito ka na mamalengke ‘pag weekend: SM City North Edsa (July 31 -August 2), SM Mall of Asia (August 7-9 at 14-16), SM Megamall (August 21-23 at 28-30), at SM Southmall (September 4-6 at 11-13).

Ang Farmers’ Produce ay project ng Department of Agriculture, Resto PH, at SM. Win-win mamili rito — nakakain ka na ng fresh, mura at masustansya, nabigyan mo pa ng suporta ang ating mga magsasaka!

Flash deals at sale ba kamo?

Bumalik na ang flash deals at monthly sales. Kaya #ShopAtSM na! Mula sa mga damit, home furniture, baking supplies, at baby at kiddie items — iba’t ibang sale at promo ang naghihintay sa ’yo mapa-online o sa SM mall mismo. Kaya ‘wag palampasin — abang-abang na tuwing pupunta sa SM!

 

 

Goodbye, quarantine hair

Paalam na sa paling-paling na gupit! Dahil bukas na rin ang mga paborito mong salon at barbershop sa SM, pwedeng-pwede na ulit magpa-style at magpa-pamper sa mga expert stylist! Lahat sila ay sumusunod sa strict IATF at DTI safety protocols.

 

 

Bigyan ng TLC ang iyong pets

Ubos na ba ang treats ni Paningning? Pagpunta mo sa SM, pwedeng-pwede nang isabay ang dog food, treat, vitamin, shampoo, at lahat ng mga kailangan ng pinakamamahal nating mga alaga dahil bukas na ang pet stores sa SM.

 

 

May dine-in na!

Kung dati ay hanggang take-out lang tayo, ngayon pwedeng-pwede nang mag-dine-in sa iyong favorite restaurants sa SM! May safety measures sa bawat restaurant tulad ng transparent divider, cashless payment option at paperless menu kaya walang pangambang mag-dine-in. Hanggang 50% dining capacity lang ang sinusunod kaya sigurado ang social distancing at safety. Pwede ring mag-dine-in sa nakatutuwang Designated Dining Spaces ng SM para maiba naman.

 

Dito magandang mag-selfie

Na-miss mo bang mag-selfie at mag-post ng food shots sa IG? Ang saya mag-selfie sa dining areas ng SM dahil may iba’t ibang designs at themes ang mga dining area. May mga K-drama stars sa Seoul Spot sa SM Megamall, Bloom Village sa SM Baguio, at kung ano-ano pang fun themes na perfect pang IG post! At dahil napakaluwag ng dining areas, iwas-photo bomber kaya selfie pa more!

 Ibinida ng SM City Baguio ang Panagbenga Flower Festival sa pamamagitan ng kanilang Bloom Village dining area namatatagpuan sa mall atrium.

 

Magiging makulay ang inyong dine-in experience sa SM City CDO Downtown Premier kasama ang cute at matitingkad na unicorns!

 

Narito na ang inyong favorite Korean heartthrobs sa Seoul Spot SM Megamall! Makipag-selfie kasama sina Park SeoJoon, Hyun Bin, Park Bo Gum, Ji Chang Wook, at So Ji Sub sa G/L Mega Fashion Hall!

 

Kumain kasama ang inyong favorite mascots at characters sa designated dining areas ng SM South Luzon malls!

 

 

Pasalubong galore!

Syempre, ‘di pwedeng umuwi nang walang bitbit para sa mga walang quarantine pass sa bahay. Pwede kang mag-advance order sa mga restaurant tapos daanan mo na lang pagkatapos mag-grocery, magbayad ng bills at kung ano-ano pang errands. Ang daming choices! Pizza, ramen, cakes at bagong baked na cookies. Pwede ring mamili ng toys para sa kiddos na hindi pwedeng lumabas. Para naman ‘di sila sumimangot ‘pag uwi mo kasi ikaw lang ang nagpunta sa SM.

 

‘Wag kalimutan ang health essentials

Dahil nga may pandemya, ‘wag na ‘wag kalimutan ang mga kailangan para sa new normal. Siguraduhing may stock ka na face mask, face shield, alchohol, at sanitizer, sanitizing wipes, vitamins at immune boosting supplements. Lahat ng ito available sa The SM Store, Ace Hardware at Watsons. #EverythingsHereAtSM

 

So ayan, simulan nang maglista ng mga gagawin at bibilhin, isuot ang face mask at tara na sa SM where health and safety is a top priority. Sa SM, tuloy-tuloy at mahigpit na sinusunod ang health at sanitation measures sa lahat ng SM mall sa buong Pilipinas.

 

#SafeMallingAtSM #KasamaNgSM #SMforSMEs.

 

Para sa karadagang info, visit www.smsupermalls.com, o sa social media accounts nito sa Facebook, Twitter at Instagram. Mag-join din sa SM Viber community para sa pinaka-latest updates tungkol sa SM Supermalls shop na nag-o-offer ng pick-up, take-out at delivery.


  •  
  •  
  •  

Loading...