Bukod sa pagiging luko-loko: oposisyon, kadiri-Sec. Roque

Bukod sa pagiging luko-loko: oposisyon, kadiri-Sec. Roque

July 16, 2018 @ 8:38 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kadiri ang oposisyon dahil kahit kailan ay wala pang nagawang matino ang mga ito.

Tinawag na luko-loko ng Malakanyang ang nagsabit o naglagay ng mga tarpaulin na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, province of China” sa iba’t ibang mataong lugar sa bansa.

Foul move mula sa oposisyon ang gimik na ito para sirain ang Malakanyang.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi kontrobersiya para sa Pilipinas ang ginawa ng oposisyon kundi isyu para sa lahat ng mga filipino.

“Iyan po ay kumbaga nakakadismaya sa buong taong bayang Pilipinas kasi hindi naman po iyan isyu lang ng Malacañang, isyu po iyan ng lahat ng Pilipino. Ang sabi ko nga po eh inaawit natin ang mamatay ng dahil sa iyo na sinasabi nating dahil sa kaniyang yumi at ganda, eh ang—nagkaroon ng—na-attract ang mga dayuhan ‘no na nalalabanan natin,” aniya pa rin.

Samantala, wala namang balak paimbestigahan pa ng Malakanyang ang usaping ito dahil wala sa mga kakampi ng Punong Ehekutibo na nasa matinong pagi-isip na magsasabit ng tarpaulin.

“Hindi ko po alam kung mag-iimbestiga ang kapulisan. Pero sa amin po hindi naman para mag-imbestiga. Alam na ng taong bayan, kaya nga 88 percent pa rin ang approval rating ng ating Presidente, kahit anong mangyari. Kasi nga wala namang makasalong oposisyon, kung ganiyan ang gagawin ng oposisyon, dismayado talaga ang taong bayan. Kaya walang mahita ang oposisyon sa atin,” litaniya nito. (Kris Jose)