P20M ‘tsaabu’ nasabat sa QC

August 16, 2022 @8:45 AM
Views:
118
MANILA, Philippines – Nasabat ng pulisya ang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nasa Chinese tea bag sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City.
Aabot sa tatlong kilong shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek na kinilala ng pulisya na si Jerome Labita, 20-anyos, binata, residente ng Varsity Lane, Barangay Pasong Tamo, Quezon City; at John Lester Lacaba Manipol, 24 taong gulang, binata, at residente ng Sauyo, Quezon City.
Nasamsam sa suspek ang isang vacuum sealed plastic Chinese tea bag na may tinatayang timbang na isang (1) kilo na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang Shabu na may standard price na P6,800,000; dalawang pirasong vacuum sealed plastic Chinese tea bags na may tinatayang timbang na dalawang (2) kilo at naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na may presyong P13,600,000, boodle money na ginamit bilang buy-bust money; dalawang (2) unit ng smart phones, isang unit na SUV (Toyota Fortuner black) na may plate number NQX345, at sari-saring Identification Card at mga dokumento.
Nasa kustodiya na ngayon ng awtoridad at sasampahan ng kaukulang kaso. RNT
Mga deboto ‘di napigilan ng ulan sa pagdagsa sa Quiapo

August 5, 2022 @5:54 PM
Views:
290
MANILA, Philippines – Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, hindi natinag ang mga deboto sa pagdagsa sa simbahan ng Quiapo sa tinaguriang ‘first Friday’ ng buwan ng Agosto.
Mula sa bahagi ng Cariedo hanggang sa Plaza Miranda ay nag-abang sa pila ang mga deboto para makapasok sa loob ng simbahan.
Bukod sa mga Hijos del Nazareno at mga tauhan ng MPD Station-3, tumutulong na rin ang ibang force multipliers mula sa mga barangay na nakakasakop sa Quiapo.
Bantay sarado rin ng mga otoridad ang paligid ng Quiapo lalo na’t ipinagbabawal na ang pagtitinda at pagpaparada ng sasakyan dito sa ilalim na rin ng Executive Order No. 15 na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Nagtalaga naman ng mga “pay parking” para sa mga nagsisimba na may mga dalang sasakyan kung saan hindi naman ito nakaka-istorbo sa daloy ng trapiko.
Sa kabila ng pagdagsa ng mga deboto, sinisikap pa rin na maipatupad ang ilang mga patakaran sa minimum health protocols kontra COVID-19 para maiwasan ang hawaan nito. RNT
Parak timbog sa P3.4M shabu

August 5, 2022 @10:08 AM
Views:
404
MANILA, Philippines – Nalambat ng mga otoridad ang isang pulis na sumi-sideline sa pagtutulak ng shabu kabilang na ang kasabwat nito matapos na kumagat sa isingawang buy-bust operation kahapon sa lungsod ng Caloocan.
Kinilala ang nadakip na si Police Corporal Mark Jefferson Lopez , 30 anyos, nakatira PNR Compound Samson Road, Caloocan City; at John Raster Jaie Muñoz, 24, mekaniko, residente ng Bagong Silang Caloocan City.
Base sa ulat, pasado 5:00 ng hapon (August 4) nang isagawa ang drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Northern Police District (NPD) sa harap ng Puregold Zabarte na matatagpuan sa Zabarte road corner Camarin road Brgy. 172, Caloocan City.

Contributed by Joshua Abiad