BULACAN HOSPITAL MEDICAL DOCTORS ‘NOW U SEE, NOW U DON’T’

BULACAN HOSPITAL MEDICAL DOCTORS ‘NOW U SEE, NOW U DON’T’

July 21, 2022 @ 9:54 PM 4 weeks ago


Ngayon, mga pare koy, bigyang daan nating ang reklamo kaugnay sa umano’y maling gawi ng mga doktor at surgeon ng Bulacan Provincial Hospital sa Malolos.
Narito ang reklamo.
Dear Sir Johnny, tila naging patakaran at naging obligasyon na yata ngayon ng mga doctor/ medical surgeon nakatalaga for major operation sa Bulacan Provincial Hospital sa Malolos, Bulacan, isang government hospital, na mag-uwian.

Ang mag-uwian o nag-uuwian tuwing weekend kung kaya’t ang mga kawawang nakapilang pasyente na magpa-pacheck up o magpapa-opera partikular kung araw ng Biyernes ay pinauuwi na lamang at pinababalik na lang sa araw ng Lunes.

Samantala habang ang ibang mga pasyente naman na matiyagang nakapila at naghihintay na maoperahan ay lumilipat na lang ng ibang hospital para sa kanilang operasyon.

Kaya ang suma-total,Doctors Missing in Action! tsk! tsk! tsk! Nang tanungin po naming ang isang staff ng ospital, sabi po ay wala raw OPD ang kanilang pagamutan.

Tnx, concerned senior citizen po ako ng Bulacan.

Only in the Philippi-nes! God bless sa mga kawawang pasyente!

PCSO GAMIT SA SUGAL LUPA SA RIZAL

Si alyas Susan Tisay ang sinasabing table manager ng malaking jueteng sa Montalban, Rizal. Ito raw ang pinakamalaking operasyon sa lalawigan ng Rizal.

May usap-usapan pa na patuloy pa rin ang operasyon ng Peryahan ng Bayan na kung saan ay pinatatakbo ng ilang mga retiradong mga pulis na kahit sinasabi ng Philippine Charity Sweepstake Office(PCSO) na wala silang basbas kaninomang players.

Ang tanong bakit nakakalusot ang mga ganitong uri ng kalakaran sa nasabing lalawigan…

Bakitttttttt????….
Anomang puna o reklamo i-text sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] yahoo.com o [email protected] gmail.com.