Bulacan top seed sa NBL President’s Cup 2022

Bulacan top seed sa NBL President’s Cup 2022

March 21, 2022 @ 12:57 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Sinakmal ng Bulacan ang solo lead sa NBL President’s Cup 2022 matapos magwagi ng dalawang beses sa larong ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Tinalo ng DF Republicans ang Quezon Barons, 107-94 noong Sabado bago talunin ang Paranaque Aces, 88-77 nitong Linggo.

Dahil sa panalo, nag-imprub ang kartada ng Republicans  sa 4-0 (win-loss) record para hablutin ang first sa team standings.

Sumalpak si Marlon Monte ng 20 points para sa Republicans sa laban kontra Barons habang umambag naman si Christian Necio ng 19 points para sa panalo.

Bumira rin si Monte ng 21 points at 10 assists, at  dinomina ni Joseph Celso ang paint na may 16 points at 21 rebounds sa laban ng Bulacan kontra Aces.

Samantala, kumana ng dalawang sunod na panalo ang Taguig sa simula ng season na may 108-92 panalo kontra Laguna noong Sabado.

Kumamada si Jonats Lontoc ng 20 points at Dan Natividad ay may 19 points at six assists para sa Generals, na may 2-0 win-loss sa standings.

Nagtapos si Guellano Alvarado ng may 22 points, Buboy Barnedo, 18 points at 11 rebounds para kunin ng Las Piñas  ang ikalawang panalo sa matapos ang tatlong games sa iskor na 103-101 kontra Laguna nitong Linggo.

Bumanat din si Ivan Villanueva ng 18 points para sa Lodis na nagwagi ng 11 points sa game.Rico Navarro