Bulag na ama patay sa saksak ng anak

Bulag na ama patay sa saksak ng anak

July 9, 2021 @ 1:34 PM 1 year ago


DAVAO CITY –SA halip na makinig sa payo ng ama, nagawang patayin ng anak ang kanyang tatay na isang bulag nang pagsabihan itong huwag masyadong maglasing at kontrolin nito ang pag-inom ng alak, kagabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Dalyanan Lingi, 37-anyos habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Clifford Lingi, 19 at kapwa residente sa Prk 6, Sitio Datalpitak, Brgy. Colonsabac, Matanao, Davao del Sur.

Batay sa report ng Matanao Municipal Police station, umuwing lasing ang suspek sa kanilang bahay na lango sa alak.

Dahil dito, pinagsabihan ng ama ang anak na huwag itong mag-iinom ng sobra na ikinagalit ng anak (suspek).

Kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang ama na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong parricide.

Sa himpilan ng pulisya, labis na pagsisisi ang namutawi sa bigbig ng suspek at hindi na nito maibalik pa ang buhay ng ama./Mary Anne Sapico