Bulag na video gamer at streamer, ginulat ang lahat sa kaniyang kill count sa “Call of Duty: WWII”

Bulag na video gamer at streamer, ginulat ang lahat sa kaniyang kill count sa “Call of Duty: WWII”

August 5, 2018 @ 11:11 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Ginulat ng bulag na video gamer at streamer ang mundo ng internet matapos nitong ibuyag ang kaniyang kill count bilang first-person shooter sa larong “Call of Duty: WWII.”

Kamakailan lang ay nag-post si TJ, isinilang ng may kondisyon na retinopathy, ang kaniyang standing kill count para sa “CoD: WWII” sa subedits ng laro na may title na “10k kills without seeing the game” noong July 26.

Sa mga oras na ‘yon, ang sumatotal ng kaniyang kills ay nasa 7,611 at pinaplano pa niyang makakuha ng 10,000 kills sa mga susunod linggo. As of August 2, sa kaniyang Youtube channel, mayroon na siyang 8,165 kills.

Manghang-mangha ang ibang mga gamer dahil kitang kitang mas magaling pa maglaro si TJ kumpara sa mga gamer na mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang paningin.

Pero pano nga ba ito nagawa ni TJ?

Paliwanag niya, nakikita niya ang battle ground sa pamamagitan ng sound. Ginagamit niya ang sound ng yapak ng paa at putok ng baril upang matulungan siyang malaman kung gaano kalayo ang mga player avatar.

Inamin niyang nasanay na lang siya sa sistemang ito at sinabi pang kaya niya itong gawin sa long-range combat at maka-iskor ng kill. Mahirap ito para sa kaniya ngunit mas epektibo raw ang kaniyang sistema kung ang mga avatar ay mas malapit sa kaniya.

Ang problema lamang sa echolocation strategy ni TJ ay hindi niya nalalaman kung ang paparating ba na avatar ay kakampi o hindi. Dahil dito, nagpapakalat ng granada si TJ habang naglalakad siya sa paligid at nakikinig para sa mga susunod niyang target.

Ginawa ni TJ ang nasabing post upang ipaalam sa mundo na mayroong mga gamer na may kapansanan at upang magbigay inspirasyon sa mga taong gustong maglaro ng video games ngunit natatakot na subukan ito.

“I do my best to show everybody that even though people with disabilities that may not play video games as often as people without disabilities, we still do. Even though I cannot see, I still play just as good, sometimes better, then several of my subscribers who have sight,” sabi ni TJ. Remate News Team