Bulakenyo dumayo ng holdap, patay sa engkwentro sa mga pulis

Bulakenyo dumayo ng holdap, patay sa engkwentro sa mga pulis

August 2, 2022 @ 2:23 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang holdaper na nambiktima ng Indian national sa Las Piñas City makaraang makaengkwentro ng mga pulis.

Nauna rito ay hinoldap ng suspek na si Gian Bautista ang Indian national na si Narinder Singh, pero nasakote siya  sa Oplan Sita ng pulisya makaraang mai-alerto ng mga kapwa pulis na pinagsumbungan ni Singh.

Pinili ni Bautista na makipagbarilan sa mga pulis kaysa sumuko sa mga awtoridad na nagpapahinto sa kanya.

Makaraang tamaan ng bala ng pulis,  dinala si Bautista sa Las Piñas District Hospital para gamutin pero kinailangan siyang ilipat ng ospital.

Nagkasundo  ang kapatid ng suspek na si Allan John Bautista y Pasana at ang attending Physician na si Dr. Charles Dionglay na mas makakabuti sa pasyente na maoperahan sa South Super Highway Medical Center, pero nang dakong 7:22 ng gabi pa rin ng Linggo, idineklara ng attending anaestisiologist Dr. Rover Rubio ng South Super Highway Medical Center na patay na ang pasyente.

Naholdap umano ni Bautista sa Indian national ang pitong assorted cellular phones, belt bag na may gold necklace, singsing, relo, assorted ID at cash money na ₱45,170. Dave Baluyot