Bulakenyo sinalubong ng 11,000 trabaho sa paggunita sa ika-124 Araw ng Kalayaan

Bulakenyo sinalubong ng 11,000 trabaho sa paggunita sa ika-124 Araw ng Kalayaan

June 12, 2022 @ 4:30 PM 3 weeks ago


Bulacan- Mula sa dalawang taong pananalasa ng COVID-19, nasa 11,000 bakanteng trabaho ang naghihintay sa Bulakenyo ngayong paggunita sa ika-124 Araw ng Kalayaan sa lungsod ng Malolos.

Dinaluhan mismo ni Bulacan Governor Daniel Fernando,Vice Governor Alex Castro, Malolos Mayor Bebong Gatchalian, PRO-3 Regional Director PBGEN Matthew Baccay, Bulacan Police director PCOL. Charlie Cabradilla, mga beterano at iba pang opisyal ang naturang okasyon na may temang: “Pagsulong sa Hamon ng Panibagong bukas.”na ginanap sa Barasoain Shrine. Pinangunahan din ni Fernando ang pagtaas ng watawat at pag-alay ng bulaklak sa harap ng bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo bandang alas-9 ng umaga sa makasaysayang simbahan.

Kasunod nito,dinaluhan din ni Fernando ang okasyong may temang: “Trabaho, Negosyo,Kabuhayan, pagsuong sa hamon ng panibagong bukas” mula sa Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng Job and  Business Fair (Local and Overseas) sa Capitol gymnasium.

Nalamang nasa mahigit 78 employers ang nakiiisa na mayroong hatid na 11,000 bakanteng trabaho bilang bahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) Independence Day Fair.

“Kasabay ng araw na ito ay ang pagbibigay sa atin ng oportunidad na malayang mamili  ng trabaho na angkop sa ating mga kakayahan,.Sana ay huwag ninyo itong palampasin at makiisa para sa pag-unlad na rin ng ating mga sarili,” anang gobernador.

Nagbigay-galang din ang gobernador sa mga dumalong beterano sa naturang okasyon. Dick Mirasol III