Bulaklak sa Dangwa nagmahalan na

Bulaklak sa Dangwa nagmahalan na

February 9, 2022 @ 11:14 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Domoble na ang presyo ng ilang bulaklak sa Dangwa Flower Market isang linggo bago ang Valentine’s Day.

Sa kabila na matumal pa ang bentahan, ang presyo ng dating rose na isang dosena ay P500 lamang ngunit nagkakahalaga na ngayon sa P1,200.

Ang dating P180 na carnation kada 10-stem ay nasa P300 na ngayon.

Tumaas din ang presyo ng dried flowers bouquet sa P600 hanggang P1,500.

Ayon sa ilang mga flower vendor, maari pang tumaas ang presyo sa susunod na mga araw.

Umaasa rin ang mga nagtitinda na pagsapit ng Valentine’s Day ay maraming bumili ng bulaklak para mabawi ang kanilang mga puhunan. Jocelyn Tabangcura-Domenden