Bulay aminado sa ‘lack of wisdom’ sa debate deal

Bulay aminado sa ‘lack of wisdom’ sa debate deal

April 26, 2022 @ 10:53 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sumang-ayon si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rey Bulay nitong Martes sa “lack of wisdom” sa kasunduan ng poll body at Impact Hub ukol sa presidential at vice-presidential debates para sa eleksyon sa Mayo 9.

Sa isang panayam, tinanong si Bulay kung naniniwala siya na may kakulangan sa dunong o mayroong kuwestiyonable sa proseso ng kasunduan.

“I agree. I agree with you, definitely. It was done in the past with not so much ruckus and everything. It was done for free as well. So, one of my questions really, why did we not follow the same format as before?” aniya.

Sa mga nakaraang eleksyon, nakikipagtulungan ang Comelec sa ilang mainstream media at institusyon na magpo-produce ng mga debate para sa poll body.

Sa PiliPinas Debates 2022, nakipagkasundo ang Comelec sa Impact Hub para sa pag-organisa ng aktibidad. Ang Impact Hub naman ang kumontrata sa Sofitel Philippine Plaza Manila, ang venue ng mga debate.

Subalit hindi natuloy nitong Abril 23 at 24 ang nabanggit na debate, matapos pumalya ng Impact Hub na bayaran ang P14 milyong financial obligation nito sa Sofitel.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ni Bulay ang isyu at nauna nang sinabi na maaari itong matapos sa Biyernes.

“It’s just unfair that I should talk about this in the middle of my investigation. So, there is a presumption. Government employees enjoy the presumption of regularity in the performance of their function,” aniya.

Sa halip na town hall debates, magsasagawa na lamang ang Comelec ng panel interview ng mga kandidato. RNT/SA