Bulkang Bulusan alert level 0 na

Bulkang Bulusan alert level 0 na

January 20, 2023 @ 10:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Balik na sa normal na antas o Alert Level 0 ang Bulkang Bulusan, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa isang advisory, sinabi ng Phivolcs na bumalik na sa baseline o background levels ang observational parameters.

Wala ring magmatic eruption ang inaasahan din sa hinaharap, na nag-udyok sa Phivolcs na ibaba ang alert status ng bulkan.

Mula noong unang linggo ng Disyembre, zero hanggang limang lindol ang naitala ng Phivolcs sa Bulusan Volcano kada araw.

Karamihan sa mga lindol na ito ay naganap sa mababaw na lalim na wala pang 10 kilometro sa ilalim ng edipisyo.

Sa kabila ng pagbabalik ng Bulusan Volcano sa normal nitong estado, ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone ay ipinagbabawal pa rin. RNT