Bulkang Kanlaon, muling nag-alburuto

Bulkang Kanlaon, muling nag-alburuto

June 20, 2018 @ 6:32 PM 4 years ago


 

Negros – Muling nag-alburoto ang bulkang Kanlaon matapos makapagtala ng anim (6) na pagyanig kaninang umaga Hunyo 20, 2018 (Miyerkules).

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bukod sa pagyanig, naitala rin ang pagbuga ng madumi na kulay puting usok sa bunganga ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs na nakataas sa alert level 2 ang paligid ng bulkang Kanlaon na ang ibig sabihin ay patuloy na nagbabanta sa pagputok ang bulkan.

Nagbabala din ang Phivolcs sa lokal na pamahalaan sa lugar at publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang Civil Aviation Authorities na payuhan ang kanilang mga piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa panganib ng pagputok ng bulkan.

Itinuturing na ang bulkang Kanlaon ay isang active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito. (Santi Celario)