Bulkang Kanlaon nag-alboroto

Bulkang Kanlaon nag-alboroto

July 25, 2022 @ 4:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Muling nag-alboroto ang bulkang Kanlaon makaraang makapagtala ng tatlong (3) volcanic earthquake sa paligid nito iniulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs sa nakalipas na 24 oras bukod sa pagyanig nakataas rin sa alert level 1 ang paligid ng bulkan.

Nabatid pa sa Phivolcs na naitala rin ang pagbuga ng mahinang usok sa bunganga ng bulkan sa timog-kanluran at hilagang-kanluran.

Kaugnay nito mahigpit din ipinagbabawal ng ahensya ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone o PDZ sa paligid ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Mahigpit din ipinagbabawal ng Phivolcs ang paglipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibleng biglang pagputok ng bulkan dahil sa paulit ulit ng mahinang pagsabog nito.

Itinuturing na ang bulkang Kanlaon ay isang aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito. Santi Celario