Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 1

Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 1

August 22, 2022 @ 7:13 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alerto sa Bulkang Mayon matapos maobserbahang tumaas ang aktibidad nito.

Sa isang advisory na inilabas noong Linggo, inilagay ng PHIVOLCS ang Bulkang Mayon sa ilalim ng Alert Level 1 o Low-Level Unrest mula sa Alert Level 0 o Normal, dahil nagpapakita ito ng “abnormal na kondisyon.”

Naobserbasyon ng seismic bureau ang tumaas na aktibidad ng buklan mula sa mga global positioning system (GPS), precise leveling (PL), at electronic tilt at electronic distance meter (EDM) monitoring.

“These observation parameters indicate that volcanic gas-induced pressurization at the shallow depths of the edifice may be occurring, causing the summit dome of Mayon to be pushed out,” saad pa sa abiso.

Sa ilalim ng Alert Level 1, hinihimok ang publiko na iwasang pumasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa mas mataas na tsansa ng biglaang stream-driven o phreatic eruption.

Gayundin, nagbabala ang PHIVOLCS sa mga panganib tulad ng rockfalls, avalanches, at ash bursts sa summit area, na maaaring mangyari nang walang babala.

Binalaan din nito ang mga residente sa kalapit na mga lambak at aktibong mga daluyan ng ilog na manatiling mapagbantay laban sa mga daloy na puno ng sediment at lahar sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan. RNT