Bulkang Taal ‘di nagtala ng pagyanig; Alert Level 2 nakataas pa rin

Bulkang Taal ‘di nagtala ng pagyanig; Alert Level 2 nakataas pa rin

June 1, 2021 @ 1:55 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Walang naitalang pagyanig sa nakalipas na 24 oras ang Bulkang Taal ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bagamat walang pagyanig na naranasan patuloy ang low-level background tremor sa bulkan kaya’t nanatiling nakataas ito sa Alert Level 2.

Nagbuga rin ng plumes na aabot 1,000 metro ang taas ang Taal.

Sa huling tala nitong Mayo 31, tinatayang 2,976 tons kada araw ang sulfur dioxide (SO2) emission ng bulkan.

Nakitaan din ng pagbabago sa porma ang bulkan mula nang pumutok ito na indikasyon ng magmatic activity sa loob nito.

Bawal pa ring pumasok sa permanent danger zone ng Taal at inirekomendang huwag pumasok sa isla. RNT/ELM