Bulkang Taal muling nag-alburoto; 3 pagyanig naitala

Bulkang Taal muling nag-alburoto; 3 pagyanig naitala

August 8, 2022 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Muling nag-alboroto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng tatlong (3) volcanic tremors sa paligid ng bulkang iniulat kaninang umaga ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig nakataas rin sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal.

Sinabi pa ng Phivolcs na patuloy pa rin ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan.

Kaugnay nito sinabi pa ng ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man sa permanent danger zone (PDZ) ng bulkang Taal lalo na sa main crater ng bulkan at ang paglalayag ng bangka malapit sa Taal Lake dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibleng panganib ng bulkang Taal dahil sa paulit ulit na pagsabog nito paglindol, pagtalsik ng maliliit na abo at gas ng bulkan na maaaring makasama sa kalusugan. Santi Celario