Bulkang Taal muling nagparamdam; 900 metrong usok, ibinuga

Bulkang Taal muling nagparamdam; 900 metrong usok, ibinuga

January 30, 2022 @ 9:57 AM 8 months ago


MANILA, Philippiens – Muli nanamang nagpakita ng pagiging aktibo ang Taal Volcano nitong Sabado matapos na magpalabas ng usok o steam-laden plumes sa Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang nasabing pagpapalabas ng plumes ay isang “phreatomagmatic burst steam.”

May taas na 900 metro ang naibugang steam-laden plumes, dagdag pa ng NDRRMC.

Walo namang phreatomagmatic bursts ang naitala ng Phivolcs sa pinakabunganga ng Taal bandang 1:18 ng hapon hanggang 9:57  ng gabi.

Ang Taal ang isa sa pinakaakitbong bulkan sa Pilipinas.

Nakasailalim pa rin ito sa Alert Status 2 kung saan posibleng mangyari ang phreatic explosions, lindol bunsod ng bulkan, ashfall at lethal accumulations o maging pagsabog ng volcanic gas. RNT