Bulkang Taal nag-alboroto; 118 pagyanig naitala

Bulkang Taal nag-alboroto; 118 pagyanig naitala

January 17, 2023 @ 7:50 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Muling nag-alboroto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng 118 volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag inuulat kanina Enero 17, 2023 (Martes) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkan Taal.

Sinabi pa ng Phivolcs na may mainit na volcanic fluids sa main crater sa lake at usok sa bunganga ng bulkan.

Kaugnay nito sinabi ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man malapit sa bulkan.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.

Ang bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito na matatagpuan sa lalawigan ng Batangas. Santi Celario