Bulkang Taal patuloy ang pagbuga ng steam-rich plumes, sulfur dioxide mataas pa rin

Bulkang Taal patuloy ang pagbuga ng steam-rich plumes, sulfur dioxide mataas pa rin

July 11, 2021 @ 11:35 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang pagbuga ng steam-rich plumes ang Bulkan Taal habang mataas pa rin ang inilalabas na sulfur dioxide, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Umabot sa 1,000 metro ang inilabas na plumes ng bulkan sa direksyon ng kanlurang-hilagang-kanluran at timog-kanluran mula sa main crater.

Pumalo naman sa tinatayang 6,488 tonnes ang inilabas na sulfur dioxide (SO2) nitong Sabado.

Naitala rin ang 74 pagyanig sa nakalipas na 24 oras.

Sa bilang na ito, 13 ang low-frequency volcanic earthquakes habang 61 ang volcanic tremor events na tumatagal ng isa hanggang 25 minuto.

Nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan kaya’t pinagpapabawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone.

Pinaalerto rin ang mga lokalidad na malapit sa bulkan.

“Communities around the Taal Lake shores are advised to remain vigilant, take precautionary measures against possible airborne ash and vog and calmly prepare for possible evacuation should unrest intensify,” paalala ng Phivolcs. RNT/ELM