Bulls silat sa Cavs

Bulls silat sa Cavs

December 9, 2021 @ 4:46 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Dinurog ng Cleveland Cavaliers ang isa sa top team sa Eastern Conference na Chicago Bulls nang tambakan ito sa iskor na 115-92.

Ayon sa ulat, ito na ang ika-limang panalo ng Cavs sa huling pitong laro ng koponan.

Dahil sa panalo, natuldukan ng Cavs ang pamamayagpag ng Bulls sa apat na sunod-sunod na panalo.

Hawak ng Cavs sa ngayon ang kabuuang 14 na panalo, samantalang natigil naman ang Bulls sa 17 panalo at siyam na talo.

Nanguna sa opensa ng Cavs si Darius Garland na may 24 points kung saan sinamantala nito ang kawalan ng dalawang star players ng Bulls, ang leading scorer na si DeMar DeRozan at point guard na si Alex Caruso.

Bigo si Zach LaVine na buhatin sa panalo ang team sa kanyang itinarak na 23 points at nine assists habang si  Lonzo Ball ay umambag ng 19 points at si Nikola Vucevic na nagtapos sa 18 points at 12 rebounds.Rico Navarro