Bulls star DeMar DeRozan sapul ng COVID-19?

Bulls star DeMar DeRozan sapul ng COVID-19?

December 7, 2021 @ 11:09 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pumasok si Chicago Bulls star forward DeMar DeRozan sa  COVID-19 health and safety protocols ng NBA ngayon Lunes.

Hindi makalalaro si DeRozan sa laban ng Bulls kontra Denver Nuggets at iba pang games depende  kung tuluyan itong magpopositibo sa COVID-19 test.

Una rito, hinirang si DeRozan bilang Eastern Conference Player of the Week. May average itong 30.3 points at 5.7 rebounds kada game sa tatlong laro nitong nakaraang linggo.

Naka-ranked si DeRozan na pag-apat sa NBA na may 26.4 points per game.

Kinakailangan din ng bakunandong manlalaro na dumaan sa quarantine kung sila’y ma-test na positive, kahit wala silang sintomas.

Hindi na ipinapasok sa quarantine ang mga bakunadong manlalaro kung nagkaroon ito ng close contact sa nagpositibong manlalaro pero itetest sila sa coronavirus.JC