Bully sa iskul, opisina parusahan-solon

Bully sa iskul, opisina parusahan-solon

August 26, 2022 @ 10:03 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang panukala na nagsusulong na palawakin pa ang sakop ng Republic Act 10627 o Anti-Bullying Law ang inihain sa Kamara kung saan hindi lamang sa mga paaralan ito ipatutupad kundi maging sa mga workplace at sa internet.

Sa House Bill 2886 o Stop Bullying Act of 2022 na inihain ni House Assistant Majority Leader at Puwersa ng Bayaning Atleta(PBA) party-list Rep. Margarita Nograles sinabi nito na dapat sakupin ng bullying law ang lahat ng kasarian, edad at grupo at hindi lamang para sa mga bata.

Ani Nograles panahon na para rebisahin ang RA 10627 dahil hindi na ito angkop sa kasalukuyang panahon.

“Having established and equipped with national helpline through the passing of the Republic Act No. 10627 or the “Anti-Bullying Act of on September 12, 2013, the prevalence of bullying in the country has not gotten down drastically. In fact, at least 6 out of 10 students are being bullied, which is nearly 3 times higher compared to developed countries,”giit ni Nograles.

Sa ilalim ng panukala ni Nograles ay papatawan ng criminal at civil liability ang sinumang mapapatunayang gumawa ng bullying act na nasa tamang edad na o nasa 21 anyos pataas.

Habang ang nakagawa naman ng bullying act na nasa 15 anyos pababa subalit hindi nila alam ang kanilang nagawa dahil sa murang edad ay hindi papatawan ng criminal liability subalit kailangan na sumailalim intervention programs at maaaring patawan ng civil liability.

Ngunit hindi ligtas sa criminal liability ang gumawa ng bullying act na edad 15 hanggang 18 anyos lalo kung mapapatunayang may discernment ang kanilang naging aksyon.

Nakapaloob sa panukala na maaaring patawan ng 6 na taong kulong at multa na P50,000 hanggang 100,000 sa sinumang mapapatunayang guilty sa bullying.

Sinabi ni Nograles na kung palalawakin ang sakop ng anti bullying law ay maiiwasan na ang harassment.

“This bill seeks to stop bullying by placing ‘Hammurabi’s Code’ on the law by attaching penalties and huge fines and create a more peaceful and tranquil environment for our children and human beings in general,” pagtatapos pa ng lady solon. Gail Mendoza