Bullying incident sa Ateneo de Davao iniimbestigahan na

Bullying incident sa Ateneo de Davao iniimbestigahan na

January 29, 2023 @ 2:44 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Ateneo de Davao University ang insidente ng bullying na nangyari sa loob mismo ng paaralan na kumalat sa pamamagitan ng isang video sa social media.

Sa naturang video kasi, makikita ang isang lalaking estudyante na sinasakal ang kapwa-estudyante nito sa loob ng isang comfort room.

Kinumpirma naman ng paaralan na ang dalawang ito ay estudyante nila sa junior high school.

“An incident involving two ADDU Junior High School students was recorded on video and circulated on social media. School authorities have met with these students and their parents, and an investigation is ongoing,” pahayag ng AdDU.

Isinasagawa na umano ng unibersidad ang nararapat na interbensyon sa sangkot, batay sa Ateneo de Davao Junior High School Student Discipline Code, DepEd Child Protection Policy, at Data Privacy Act of 2012.

“We ask everyone to respect the privacy of the students and their families and to avoid engaging in misinformation,” ayon pa sa AdDU.

Siniguro naman ng naturang paaralan na sisiguruhin pa rin nila ang kaligtasan ng mga mag-aaral at hindi papalampasin ang mga ganitong klase ng insidente.

“If warranted, disciplinary sanctions will be imposed after due process.” RNT/JGC