‘Bullying’ sa WPS pag-usapan sa China visit ni PBBM – Tolentino

‘Bullying’ sa WPS pag-usapan sa China visit ni PBBM – Tolentino

December 16, 2022 @ 3:27 PM 1 month ago


MANILA, Philippines -Dapat na ibahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang usapin ng bullying sa pagdagsa ng mga Chinese vessel sa West Philippine Sea sa oras na bumisita na ang Pangulo sa China.

Ito ang sinabi ni Senador Francis Tolentino nitong Biyernes, Disyembre 16 kung saan kasabay nito ang pagbubukas ng diskusyon ng resolusyon ng Senado na pumuprotesta sa pagdami na naman ng mga istruktura, barko at bangka na pag-aari ng China sa nasabing teritoryo.

“I think the Ministry of Foreign Affairs of China is now aware of this, so this should be part of the discussions. Engagements that would affect peace and order should be avoided in the West Philippine Sea,” pahayag ni Tolentino sa panayam ng CNN Philippines.

“The president, as the chief executive, the chief architect of our foreign policy, has the call whether to bring this up or not, but it’s really now out there. The Sense of the Senate has been expressed,” dagdag pa niya.

Sa huling sesyon ng Senado bago ang isang buwan na break, ipinasa ang resolusyon na nagkokonsidera na ang ginagawa ng China ngayon sa West Philippine Sea ay isang anyo ng bullying.

Kaugnay ito ng nangyaring insidente noong Nobyembre kung saan pwersahang kinuha ng Chinese coast guard ang rocket debris na nakuha ng Philippine Navy.

Itinanggi ito ng China at sinabing nagkaroon muna ng “friendly consultation” bago ang insidente.

Sa kabila nito, batay sa footage ng insidenteng ipinakita ni Tolentino sa sesyon, narinig ang mga tauhan ng Philippine Navy na nagsasabing: “Pinutol nila yung tali, kinuha nila, binawi nila uli. Wala kami, mahina yung rubber boat namin.”

Nagpadala na n note verbale ang Department of Foreign Affairs sa China upang humingi ng paglilinaw sa nangyaring insidente.

Sa susunod na buwan ay magtutungo si Marcos sa Beijing para sa nakatakdang state visit. RNT/JGC