Bumagsak na tulay sa Pangasinan iniimbestigahan

Bumagsak na tulay sa Pangasinan iniimbestigahan

October 21, 2022 @ 11:27 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Gumugulong na ang imbestigasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa bumagsak na bahagi ng Carlos P. Romulo bridge sa Brgy. Wawa Bayambang, Pangasinan.

Ayon sa DPWH Regional Office 1 at Pangasinan Fourth District Engineering Office, kasalukuyan ang ginagawang assessment at imbestigasyon sa naturang insidente.

Bandang alas 3:37 ng hapon ng Huwebes nang mag collapse ang parte ng tulay kung saan nadamay ang dumadaang dalawang trak. Maswerteng wala namang nasawi sa insidente.

Samantala, pinayuhan ang mga apektadong motorista na gumamit ng alternatibong ruta.

Ayon sa DPWH, maaring dumaan ang mga motorista sa Bayambang – Bautista – Alcala – Sto. Tomas – Carmen – Tarlac at San Carlos- Aguilar Road via Bocboc Bridge – Mangatarem- Tarlac. Jocelyn Tabangcura-Domenden