Bumunot daw ng granada: Nakaposas na drug suspect, patay

Bumunot daw ng granada: Nakaposas na drug suspect, patay

March 25, 2019 @ 6:25 PM 3 years ago


Quezon City – Patay ang naarestong hinihinalang bigtime drug suspect matapos manlaban at maglabas ng granada habang nasa sasakyan papuntang tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Linggo ng gabi.

Ayon kay PDEA Dir. Derrick Carreon, ikinasa ng PDEA ang isang buy bust operation laban sa suspek na si Edwin Cabezudo sa isang apartelle sa Alabang, Muntinlupa.


Patay matapos umanong bumunot ng granada ang naarestong suspek na si Edwin Cabezudo na nakuhanan ng kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon na nakumpiska sa ikinasang drug buy-bust ops sa isang apartelle sa Alabang, Muntinlupa. Danny Querubin 

Nakabli ng kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon ang poseur buyer na PDEA agent dahilan para maaresto ang suspek.

Habang nasa sasakyan na, bigla umanong bumunot ng granada ang suspek kaya nabaril siya ng mga pulis.

Dinala pa sa ospital ang suspek pero hindi na umabot ng buhay. Remate News Team