Bumuting PH COVID recovery rank, dahil sa pagsunod sa health standard, vaxx program

Bumuting PH COVID recovery rank, dahil sa pagsunod sa health standard, vaxx program

June 6, 2022 @ 4:51 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines –  Ang pagsunod sa minimum public health standard ng publiko at ang vaccination program ng gobyerno ang susi sa pagtaas ng Pilipinas sa COVID-19 recovery rankings ng Nikkei Asia, ani Health Secretary Francisco Duque III.

“So ito ang mga dahilan [so these are the reasons]: Good compliance with minimum public health standards in general and the masking in particular, and good vaccine rollout,” sabi ni Duque sa isang panayam sa ANC.

Binigyang-diin niya na ganap na nabakunahan ng bansa ang 77% ng 90 milyong target nito.

Nitong Hunyo 4, sa datos ng Department of Health nasa 71 milyong Pilipino ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19 habang 67 milyon ang nakatanggap ng hindi bababa sa isang doses.

Gayunpaman, mahigit 14.2 milyong indibidwal lamang ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot.

“And then, of course, our loosening up a great deal of our social mobility restrictions. In fact majority of our regions if not all with some still already in the Alert Level 1,” ani Duque.

“In fact, the alert leveling system, I think, is the best practice that the Philippines can showcase. Alert Level 1, wala na tayong widespread community lockdowns,” dagdag pa niya.

Ang Pilipinas ay nananatiling nasa low-risk classification sa COVID-19 sa kabila ng pagtaas ng kaso sa lahat ng rehiyon maliban sa Rehiyon 10 at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa inilabas na pinakabagong datos ng Tokyo-based news magazine Nikkei Asia COVID-19 recovery rankings, napaganda ng Pilipinas ang marka nito matapos na tumaas sa ika-33 na puwesto mula sa ika-57 na puwesto noong Disyembre 2021. RNT