Bunganga ng Mayon bahagyang namamaga

Bunganga ng Mayon bahagyang namamaga

October 5, 2022 @ 12:05 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Miyerkoles na namataan nila ang bahagyang pamamaga o pamumula ng crater ng bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.

Dagdag pa ng PHIVOLCS na nakapagtala rin sila ng volcanic earthquake kung saan nagbuga rin ang bulkan ng katamtamang abo na hinangin sa kanlurang direksyon.

Ang Bulkang Mayon ay nagbuga ng 391 toneladang sulfur dioxide noong Oktubre 1, dagdag ng PHIVOLCS.

Sa kabilang nito, pinanatili ng PHIVOLCS ang Alert Level 1 (low-level unrest) sa bulkan.

Muli nitong iginiit na ang anim na kilometrong radius area sa paligid ng bulkan ay isang permanenteng danger zone at hindi pinapayagan ang pagpasok dito.

Gayundin, ipinagbabawal ang paglipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan. RNT