Buntis ginahasa ng menor

Buntis ginahasa ng menor

June 15, 2022 @ 1:28 PM 2 weeks ago


ECHAGUE, ISABELA-Hanggang sa ngayon ay nasa hospital pa ang buntis matapos na gahasahin ng binatilyo sa bayan ng Echague, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay pansamantala itinago sa pangalan Cris, 17 anyos  habang ang biktima ay pansamantala itinago rin sa pangalang Lea, 27 anyos,  buntis, may asawa at kapwa residente ng Dicaraoyan, Echague Isabela.

Dakong 10:15 ng umaga ng maganap ang panggagahasa sa naturang biktima.

Una rito, inutusan ang biktima ng kaniyang asawa na bumili ng yelo at habang naglalakad ay nakasalubong nito ang suspek.

Nang makarating sa sagingan ay sinamantala ng suspek ang kawalan ng tao sa paligid at itinulak ang biktima saka ipinahiga at isinakatuparan ang panggagahasa.

Matapos ang insidente ay agad na nagsumbong sa mga barangay opisyal ang biktima kung kayat agad na inilunsad ang isang hot pursuit operation laban sa suspek na resulta ng pagkaarrsto nito.

Agad namang dinala sa Echague District Hospital ang biktima dahil sa walang tigil na pagdurugo sa maselang bahagi ng kanyang katawan para sa agarang lunas bago inilipat sa Southern Isabela Medical Center o SIMC sa lunsod ng Santiago para sa surgical operation.

Pansamantala nasa pangangalaga na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon habang inihahanda ang kasong panggagahasa. Rey Velasco