Buntis isyu kay Liza, nabuhay!

Buntis isyu kay Liza, nabuhay!

February 18, 2022 @ 3:00 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Buhay na naman ang usap-usapang buntis ang aktres na si Liza Soberano!

Sunud-sunod ngayon ang tanong ng netizens dahil sa Instagram post ng aktres kung saan makikitang medyo malaki ito kumpara sa old body niya.

“Baby bump!”

“Kitang kita manas ang mukha at malaki ang tiyan,”

“Bakit ‘di pa kasi umamin?”

“Eh ano kung buntis? Babae eh ‘di ba?”

Ilan sa mga comments ng netizens. Nabuhay rin ang duda ng ilan na kaya laging tinatakpan ni Liza ang tiyan ay para maitago ang bump.

Kagaya nga ng latest video ng aktres kung saan nakaharang ang boquet of flowers at chocolates.

Hmmm. Is it just the ‘Marites’ or Liza is really preggy?

Well, hindi ito ang first time na kumalat ang balitang ito but Liza and Enrique Gil both never gave a statement about the issue yet. Paula Jonabelle Ignacio