Buntis isyu ni Liza, pinabulaanan!

Buntis isyu ni Liza, pinabulaanan!

January 2, 2022 @ 10:07 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Ang baby bump sa kanyang mga Christmas photos ang pinagbatayan ng ilang netizens na buntis diumano si Liza Soberano.

Pero mabiis na sinalag ng manager ng young actress na si Ogie Diaz ang ispekulasyon.

Ani Ogie, sa larawan ay mapagkakamalan ngang may umbok sa tiyan ni Liza, “But she’s not pregnant for now.”

Itinanggi rin ni Ogie na kaya raw lumipad si Liza patungong Amerika ay para itago ang kalagayan nito.

Liza flew to the US with her screen and real-life partner Enrique Gil. Kasama rin nilang bumiyahe ang kapatid ni Liza na si Justin para dalawin ang kanilang lola.

Dagdag pa ni Ogie, dahil ilang taon na naman ang relasyon nina Liza at Quen ay hindi malayong sila rin ang magkatuluyan sa bandang huli.

Taong 2019 nang umamin ang dalawa sa kanilang relasyon which started in 2014.

Sey ni Ogie, pasasaan daw ba’t sa pagbubuntis din ni Liza mauuwi ang relasyon nila ni Quen, “But for now, it’s a ‘no’.” Ronnie Carrasco III