Buntis na nagrerepak ng shabu, arestado

Buntis na nagrerepak ng shabu, arestado

June 11, 2018 @ 2:37 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Arestado ang anim na buwang buntis na si alyas “Ana” at kaniyang ama na si alyas “Rodel” kasama ng isang kapitbahay na si alyas “Boy” matapos mahuli sa aktong nagre-repack at gumagamit ng shabu sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Isang concerned citizen ang nagturo sa kanila na agad naman nirespondehan ng pinagsumbungang opisyal ng barangay.

Narekober naman sa mga suspek ang walong sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa dangerous drugs act. (Remate News Team)