Buntis naligo sa dagat, aksidenteng napaanak; sanggol nalunod, patay!

Buntis naligo sa dagat, aksidenteng napaanak; sanggol nalunod, patay!

January 13, 2023 @ 10:52 AM 2 weeks ago


BATAAN-HINDI na nasilayan pa ang liwanag ng kapapanganak na sanggol matapos malunod sa dagat makaraan aksidenteng mailuwal ito ng kanyang ina na naliligo sa dagat, iniulat kahapon sa bayang ng Mariveles.

Kwento ng ina, ipinagbubuntis niya ang sanggol at hindi niya inaasahan mailuwal niya ito sa dagat habang siya ay naliligo.

Sa taranta ng ginang lumubog ang sanggol sa dagat at tinangay ito ng alon.

Sinubukan naman sagipin ang sanggol at dinala sa ospital subalit hindi na rin nailigtas pa ang buhay nito ng mga umatending doctor./Mary Anne Sapico